(krŏn'ĭ-kəl) n. An extended account in prose or verse of historical events, sometimes including legendary material, presented in chronological order and without authorial interpretation or comment. A detailed narrative record or report.

Saturday, 26 April 2014

Embracing Change

November 04, 2010
10:00pm

Change is inevitable… but it is on how you look and accept changes in your life

Lord, mahirap pakawalan ang mga taong naging parte ng buhay ko… mahirap pakawalan ang lahat ng mga alaala- maganda at hindi.
Pero Lord, hinahanda ko na ang sarili ko sa mga pagbabagong magaganap.
Hinanhanda ko na at tinatanggap ko kung ano man ang kagustuhan at plano Mo para sa akin. Natitiyak ko po na para po iyon sa ikabubuti ko.
“LAHAT NG GAWA MO AY MABUTI.”
Hindi ko man Makita pa sa Ngayon.. hindi ko man malaman pa sa Ngayon.. may takot man ako at mga pagtatanong… may lungkot man o pighati…
Panginoon, bahala Ka na
Hawak Mo ang buhay ko
Kontrolado Mo ang lahat ng kaganapan sa buhay ko
Kilala Mo ako…

Have Thy way Lord
May Your will be done
May I will to will Your will…

Psalm 90:1-6, 12, 14-17
90 Lord, you have been our dwelling place[a]
    in all generations.
Before the mountains were brought forth,
    or ever you had formed the earth and the world,
     from everlasting to everlasting you are God.
You return man to dust
    and say, “Return, O children of man!”[
b]
For a thousand years in your sight
    are but as yesterday when it is past,
    or as a watch in the night.
You sweep them away as with a flood; they are like a dream,
    like grass that is renewed in the morning:
in the morning it flourishes and is renewed;
    in the evening it fades and withers.
12  So teach us to number our days
    that we may get a heart of wisdom.
14 Satisfy us in the morning with your steadfast love,
    that we may rejoice and be glad all our days.
15 Make us glad for as many days as you have afflicted us,
    and for as many years as we have seen evil.
16 Let your work be shown to your servants,
    and your glorious power to their children.
17 Let the favor[
a] of the Lord our God be upon us,
    and establish the work of our hands upon us;
    yes, establish the work of our hands!


Tuesday, 22 April 2014

A 2010 Birthday Poem

November 03, 2010
11:11pm
Sa lahat ng mga taong maagang bumati,
Nakaalalang bumati
Inalalang bumati
Nag-aalangang bumati
Nag-aalalang bumati
Malalang bumati
Walang bumati
At nalimutang bumati
Sa pamamagitan ng personal at ng makabagong teknolohiya…

Lubos lubos po ang aking Pasasalamat sa inyo
Ang puso ko po’y naantig at natuwa
Sa Inyong mga pagbati’t mga kahilingan
Panalangin ko poiy pagpalain pa kayo
Ng Poong Maykapal

Isang taon na naman ang binigay Mo sa akin
Isang taon na puno ng ligaya, lungkot at pagpapala
Mga problema’t kalokohan, kawerduhan at katahimikan
Mga katanungan, kapayapaang at mga kaguluhan

Isang taong lagging nagpapaalalang
Maikli lamang ang buhay
At ako ay tao lamang
Isang taong puno ng mga aral sa buhay

Ito man ang huli kong kaarawan
Magpoapasalamat pa din ako sa Iyo aking Ama
Binigay Mo ang buhay na naging makabuluhan
Nang nakita Mo, niyakap Mo, nilinisan
Minahal, tinanggap at niligtas Mo ako

Patuloy akong magpapagamit para sa Iyong kalumwalhatian
Saan man ako mapadpad, magbago man ang lahat sa akin
Ngunit kailanman ay hinding-hindi Ka magbabago
Ikaw ang aking Diyos kahapon, Ngayon at Bukas

Papuri at Pasasalamat ang tanging alay
Sa Iyo O aking Diyos