(krŏn'ĭ-kəl) n. An extended account in prose or verse of historical events, sometimes including legendary material, presented in chronological order and without authorial interpretation or comment. A detailed narrative record or report.

Friday, 3 February 2012

MARAHIL

October 13, 2007

Kung ang G ay nakalaan para sa A
Kung ang T ay nakalaan sa B
O ang titik C ay may katapat na K
O kaya naman ang S ay may katunog na Z

Kung ang U ay pwedeng V
At ang L ay may E
Marahil ang J ay mayroon din
Na mayroon ding nakalaan para sa kanya

Ang bawat nilalang ay may bawat kapareha
Marahil ako ay may kalahati ding kapareha
Na siyang bubuo ng aking pagkatao
Ang kalahati ng aking puso

Kung sila ma’y nakalaan para sa kanila
Marahil ako din ay may nakalaan para kanino
Marahil ako di’y may kalahati na nasa kanya
Marahil ako di’y may nag-aantay, marahil…

Kung sakali mang dumating ang kalahati ko
Marahil magiging buo na ako
At tanging alay ko ang tapat na pag-ibig
Marahil kung siya man ay darating sa buhay ko

Ang puso ko’y patuloy na nag-aantay
Puso ko’y purong maibibigay
Sa isang puso ring nag-aantay
Dalawang pusong magdadamayan

Kung ako’y maghahanap ng pusong nag-aantay
Ang tanging hiling ko’y puso niya’y dalisay
At tanging tibok ay sa Kanyang Maykapal
At tanging hangad sa Kanya’y maibigay

Pusong tapat, pusong dalisay, pusong irog
Sa mundong ibabaw buhay ay muling iinog
Kaligayaha’y makakamit, wagas na pag-ibig
Pusong nagmamahal, pusong naglilingkod

Kung pag-ibig ay darating, wag pipigilan
At hayaang ang Diyos ang Siyang gumalaw
Magtiwala at manalig Siya’y dumidinig
Puso mo’y kilala Niya, puso mo’y nakatakda na

Kung pag-ibig ay darating, kusang titibok
Malalaman mong siya ang kalahati ng puso mo
Pagkat siya’y nakalaan lamang para sa iyo
Walang kahati, walang kaagaw

Marahil pag-ibig ay napakaganda
Lalo na sa darating at nag-aantay na pag-ibig
Marahil si J ay may nakalaan din
Marahil… marahil…

0 comments:

Post a Comment