(krŏn'ĭ-kəl) n. An extended account in prose or verse of historical events, sometimes including legendary material, presented in chronological order and without authorial interpretation or comment. A detailed narrative record or report.

Saturday, 20 December 2014

ISANG PAALAM



March 22, 2011

May sundot at may pitik
Dito sa pusong tumitibok

May onteng sakit sa kaalamang
Siya’y lilisan na at magpapaalam

Maaalala lahat ng kalokohan
Kawerduhan at katuwaan

Mga kwentong malalim at mababaw
At ibat ibang klaseng pananaw

May sundot at mat pitik
May kirot at may onteng sakit

Subalit sa kaalamang kagustuhan ng Diyos
Na ikaw nga Ngayon ay aalis

Kapayapaan sa puso ang Siyang maghahari
Pagkat kagustuhan Nia ang siyang mangyayari

Alaala mong ibinigay
Ay sa puso’y ilalagay

Makalimot man nag isip at alaala ko
Subalit alam kong ikaw ay parte na ng buhay ko

Pasasalamat kaibigan ko
Ay aking alay sa Poong Maykapal
Paalam kaibigan ko
Magandang paglalakbay
Ang sa iyo’y nag-aantay…

0 comments:

Post a Comment