(krŏn'ĭ-kəl) n. An extended account in prose or verse of historical events, sometimes including legendary material, presented in chronological order and without authorial interpretation or comment. A detailed narrative record or report.

Tuesday, 22 April 2014

A 2010 Birthday Poem

November 03, 2010
11:11pm
Sa lahat ng mga taong maagang bumati,
Nakaalalang bumati
Inalalang bumati
Nag-aalangang bumati
Nag-aalalang bumati
Malalang bumati
Walang bumati
At nalimutang bumati
Sa pamamagitan ng personal at ng makabagong teknolohiya…

Lubos lubos po ang aking Pasasalamat sa inyo
Ang puso ko po’y naantig at natuwa
Sa Inyong mga pagbati’t mga kahilingan
Panalangin ko poiy pagpalain pa kayo
Ng Poong Maykapal

Isang taon na naman ang binigay Mo sa akin
Isang taon na puno ng ligaya, lungkot at pagpapala
Mga problema’t kalokohan, kawerduhan at katahimikan
Mga katanungan, kapayapaang at mga kaguluhan

Isang taong lagging nagpapaalalang
Maikli lamang ang buhay
At ako ay tao lamang
Isang taong puno ng mga aral sa buhay

Ito man ang huli kong kaarawan
Magpoapasalamat pa din ako sa Iyo aking Ama
Binigay Mo ang buhay na naging makabuluhan
Nang nakita Mo, niyakap Mo, nilinisan
Minahal, tinanggap at niligtas Mo ako

Patuloy akong magpapagamit para sa Iyong kalumwalhatian
Saan man ako mapadpad, magbago man ang lahat sa akin
Ngunit kailanman ay hinding-hindi Ka magbabago
Ikaw ang aking Diyos kahapon, Ngayon at Bukas

Papuri at Pasasalamat ang tanging alay
Sa Iyo O aking Diyos


0 comments:

Post a Comment